ALAMIN: Water interruption sa ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 05:57 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Las Piñas at Parañaque sa susunod na linggo, ayon sa Maynilad.

Nakatakdang magsagawa ng pipe network upgrade ang Maynilad sa Parañaque simula alas-9 ng gabi ng Oktubre 2, Lunes, hanggang alas-9 ng umaga ng Martes. 

Bunsod nito, pansamantalang mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

Las Piñas

• Daniel Fajardo
• Elias Aldana
• Ilaya
• Manuyo Uno
• Manuyo Dos

Parañaque

• BF Homes
• La Huerta
• Moonwalk 
• San Dionisio
• San Isidro
• Sto. Niño

Pinapayuhan ng Maynilad ang mga residente ng apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bilang paghahanda sa water interruption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.