ALAMIN: Road reblocking ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 07:19 PM

Pinapayuhan ang mga motoristang pansamantalang umiwas sa ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City, at Caloocan City ngayong weekend at piliing dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Muling sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repair sa ilang kalye simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Setyembre 29 sa mga sumusunod na lugar: 

SOUTHBOUND:

  • Sa Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban St. papuntang Del Monte, Quezon City (outer lane)
  • Sa Visayas Avenue tapat ng Bureau of Plant Industry (inner lane)
  • C-5 Road malapit sa Lanuza Avenue, Pasig City (2nd lane)
  • Sa EDSA malapit sa kanto ng Bansalangin harap ng Uni Oil, Quezon City (2nd lane)
  • Sa E. Rodriguez Jr. Avenue lampas ng Greenmeadows Ave., Quezon City (3rd lane mula sa center island)
  • Sa E. Rodriguez Jr. Avenue lampas ng Poseidon Road, Quezon City (truck lane)
  • Sa E. Rodriguez Sr. Avenue kanto ng Monte de Piedad papuntang Cubao, Quezon City (2nd lane mula sa sidewalk)

NORTHBOUND:

  • Sa Mindanao Avenue kanto ng Tandang Sora Ave., Quezon City
  • Sa Bonifacio Monumento Circle, Caloocan City
  • Sa C.P. Garcia Avenue mula University Ave. papuntang E. Jacinto St., Quezon City (3rd lane)
  • Sa V. Luna Road mula East Avenue papuntang Kalayaan Ave., Quezon City
  • Sa Manila East Road tapat ng SM East Ortigas, Pasig City
  • Sa Quirino Highway malapit sa kanto ng La Mesa Dam Road, Quezon City (1st lane)


Muling madaraanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Oktubre 2, alas-5 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.