VIRAL: Mga batang tumatawid sa peligrosong hanging bridge

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 09:32 AM | Updated as of Sep 28 2017 01:57 PM

Photo courtesy of Sarah Tolentino Salcedo

Viral sa social media ang mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Sagñay, Camarines Sur na tumatawid sa sirang hanging bridge para makarating sa paaralan.

Sa kuha ni Sarah Tolentino Salcedo, iba-iba ang diskarte ng mga bata para makatawid sa peligrosong ilog.

Naawa si Salcedo sa sitwasyon ng mga bata.

Gumagamit naman ng balsa ang isang barangay kagawad para maitawid ang mga bata.

Inayos ang isang tulay na nasira noong nagdaang bagyo para hindi na dumaan sa hanging bridge ang mga bata.

Ayon sa municipal engineer, naghihintay pa sila ng pondo para maipaayos ang peligrosong hanging bridge.

Umagang kay Ganda 28 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.