Protesta upang ibalik ang 'Balangiga bells', ikinasa sa Tacloban

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 03:34 PM

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

TACLOBAN CITY - Nagsagawa ng isang kilos protesta ang ilang militanteng grupo dito sa lungsod upang ipanawagan ang pagbabalik ng mga "Balangiga bells."

Ayon sa grupong BAYAN, halos 100 tao ang nakilahok sa martsa sa iba't ibang kalsada sa lungsod habang bitbit ang mga karatula at iba pang visual materials na nananawagan sa pagbabalik ng mga kampanang kinuha ng mga Amerikanong sundalo kasunod ng Balangiga massacre noong Philippine-American War. 

Ayon sa mga residente ng bayan ng Balangiga, matagal nang pinapakiusap sa mga opisyal ng Estados Unidos ang pagbabalik ng mga makasaysayan ng kampana. Nagkapag-asa lamang sila na maibabalik ito matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu noong 2016.

Jenette Ruedas, ABS-CBN News
Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Muling hiningi ni Duterte mula sa mga Amerikano ang mga nanakaw na kampana ng Balangiga sa kanyang ikalawang State of the Nation Address noong Hulyo.

Sa isang panayam, sinabi ni United States Ambassador Sung Kim na tiwala siya na maibabalik sa Pilipinas ang 3 kampana ng Balangiga.

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

"I believe it's the right thing to do," saad ng ambassador.

- ilang ulat mula kay Jenette Ruedas, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.