Hinihinalang tulak ng droga, patay umano sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 09:01 AM

MAYNILA - Patay sa buy-bust operation ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Sta. Maria, Bulacan, Huwebes ng madaling araw. 

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na "Manok," na ayon sa pulisya ay nasa likod ng talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Ayon sa mga awtoridad, huhulihin na ng mga kasamahan nilang nagpanggap ng buyer ang suspek pero nagpumiglas umano ito at bumunot ng baril.

Napatay umano sa engkuwentro si Manok habang nakatakas ang kasama nitong kinilala lamang sa alyas "Jabar," na mabilis tumakbo at iniwan ang kasama. 

Narekober naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.