Classroom sa Davao, nasunog

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 10:06 AM

DAVAO CITY – Sumiklab ang apoy sa isa sa mga silid-aralan ng AMA Computer College sa Davao City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa security guard ng kolehiyo, napansin niyang bigla na lang may umusok sa classroom ng Section Pascal sa Junior High School building.

Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection at Central 911 para hindi na kumalat pa ang sunog sa classroom na matatagpuan sa 4th floor ng kolehiyo sa Malvar Street.

Nagsimula umano ang apoy sa isang split-type aircon sa kisame ng classroom. Electrical short circuit ang dahilan umano ng sunog.

Aabot sa mahigit kumulang P50,000 ang pinsalang idinulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.