14-wheeler truck sumalpok sa center island sa C5

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 08:40 AM | Updated as of Sep 28 2017 09:24 AM

MAYNILA - Isang 14-wheeler truck ang sumalpok sa ilalim ng C5 Flyover kanto ng Pasig Boulevard, Huwebes ng madaling araw.

Kargado ng buhangin ang trak na galing Porac, Pampanga at maghahatid sana ng supply sa Sta. Mesa, Manynila.

Ayon sa driver ng trak, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang mapansin niyang walang preno ang minamanehong sasakyan.

Dahil dito, naisipan niyang ibangga na lang ito sa center island sa C5 para wala nang iba pang madamay sa aksidente.

Alas-6:00 na ng umaga ay hindi pa natatanggal ang trak sa pinangyarihan ng aksidente. 

Dahil dito, isang lane sa bahaging iyon ng C5 ang isinara at inaasahang magpapabagal ng trapiko sa rush hour.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.