Mga dayo sa Legazpi City, obligadong magparehistro sa barangay

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2017 01:58 PM

Ipatutupad sa Legazpi City, Albay ang isang kautusang mag-oobliga sa mga residenteng iparehistro sa barangay ang mga dayo o bisita nila sa siyudad.

Alinsunod ito sa Executive Order No. 36-2017 o ang inter-barangay travel registration mechanism na ipinalabas ni Mayor Noel Rosal.

Inihanda na ng ilang punong barangay ang mga logbook na magsisilbing talaan ng mga bisita.

Papatawan ang mga lalabag sa kautusan ng multang hanggang P1,000.

Hati ang opinyon ng mga residente ukol sa patakaran.

Paliwanag ni Rosal, magsisilbi ang kautusan bilang pangkontra sa masasamang loob at pagkalat ng droga.

Napirmahan na ni Rosal ang executive order. Hinihintay na lang ang pirma ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod bago maipatupad ang patakaran.

-- Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.