'Lake Patrol' inilunsad ng PNP kontra terorista sa Lanao

Raffy Santos, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2017 12:50 PM

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) sa Lanao del Sur Miyerkoles ang Lake Patrol, isang unit na magpapatrolya sa mga bayan na malapit sa mga ilog sa probinsiya laban sa banta ng mga taga-suporta ng Maute Group. 

Sa ilalim ng programa ng Lake Patrol, may mga grupo ng pulis na mag-iikot sa mga bayan araw-araw para rumesponde sa anumang banta. 

Samantala, ininspeksyon din ng ilang opisyal ang mga istasyon ng pulis sa Lanao del Sur. 

Plano din ng PNP na dagdagan ang tropa sa mga bayan na hinarass diumano ng mga taga-suporta ng Maute noong isang linggo.

Ang programa ay inilunsad habang patuloy pa rin ang bakbakan sa gitna ng tropa ng gobyerno at mga terorista mula sa Maute group sa Marawi City, ang sentro ng probinsiya. 

Nasa ilalim pa rin ng batas militar ang Lanao del Sur, kasama ang buong Mindanao. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.