Chinese na konektado umano sa droga, niratrat sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2017 01:42 PM

Patay ang isang Chinese national matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Las Piñas City. 

Sinasabing kalalabas lang mula sa korte ni Lee Yu Shin nang pagbabarilin siya ng mga suspek matapos dumalo sa hearing kaugnay sa kasong pagtutulak ng droga.

Inaalam pa kung may koneksyon ang pagpatay sa kasong kinahaharap ng biktima.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.