6 sugatan sa banggaan ng taxi, bus sa EDSA Guadalupe

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 10:46 AM

MAYNILA - Anim ang sugatan sa banggaan ng 2 bus at isang taxi sa EDSA bandang Guadalupe, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Rowena Reyes ng MMDA Road Emergency Group, nagsimula ang aberya nang masira ang propeller at preno ng isang NAPT bus.

Bumunggo ito sa sinusundang Nova bus. Hindi na rin nakahinto ang isang taxi na bumunggo naman sa likod ng NAPT bus.

Nagtamo ng mga hiwa sa binti ang drayber ng NAPT bus habang minor injuries naman ang inabot ng 5 pasahero ng Nova bus.

Agad namang nadala sa ospital ang mga ito.

Paalala ng MMDA sa publiko, siguraduhing maayos ang kondisyon ng minamaneho bago bumyahe.--kasama ang ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.