Ilang barangay sa Lapu-Lapu City binaha

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2017 05:26 PM

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

CEBU - Pinasok ng baha ang mga bahay sa ilang barangay sa Lapu-Lapu City dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan sa lungsod ngayong Lunes.

Kahit sa mga kalsada ng Barangay Basak, marami ring sasakyan ang nahirapang dumaan dahil umabot na sa tuhod ang baha. 

Sa mga bahay naman sa Sitio Iba, basa at nagsilutang na ang mga gamit ng residente doon dahil hanggang hita na ang tubig.

Ayon sa mga residente, kung inayos lang sana ng siyudad ang kanilang drainage system, hindi sana sila makararanas ng pagbaha.

Sinuspende naman ng Marigondon Elementary School ang klase sa paaralan dahil nasa loob na ng mga silid-aralan ang baha.

Pero ang mga klase sa Marigondon National High School, nagpatuloy kahit may tubig sa mga klasrum.