Ilang bayan sa Visayas lubog sa bahang dala ng LPA, habagat

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2017 11:43 AM

Flooding at the Messiah Mission Church in Barangay Pojo, Bugasong, Antique. Pastor Ricky Jubilan Segunde

Flood waters breached houses, including this one in Barangay Carmen in Pandan, Antique. Dr. Naranjo

Heavy rains caused flooding in streets around Iloilo City. Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Heavy rains caused flooding in streets around Iloilo City. Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Residents had to evacuate after heavy rains triggered flooding in Negros Occidental Friday night. Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Ilang bayan sa Antique, Negros Occidental at Iloilo ang binaha matapos bumuhos ang malakas na ulan Biyernes ng gabi.

Walong bayan ang nalubog sa baha sa Negros Occidental, at lumikas ang mga residente mula sa mga bayan ng Sipalay, Talisay, Bago, Hinobaan, DSB, at Pontevedra, ayon sa Negros Provincial Disaster Management Office.

Nagsagawa din ng pre-emptive evacuation sa La Carlota at Binalbagan.

Samantala, hindi naman bababa sa 20 barangay sa Bacolod ang binaha rin dahil sa halos 6 na oras na tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon sa mga awtoridad, 277 na pamilya ang inilikas dahil sa matinding buhos ng ulan.

Nagkabuhol-buhol naman ang daloy ng trapiko sa siyudad dahil hindi nadaanan ng mga sasakyan ang ilang pangunahing lansangan habang mataas ang baha. Isinakay sa mga dump truck ang ilang pasahero na stranded.

Sa Antique, apektado ang mga bayan ng Libertad, Bugasong, Pandan, Culasi at Sibalom. 

Ayon kay Broderick Train, provincial disaster official sa Antique, ilang residente ang lumikas mula sa kanilang mga bahay. Ang ilan ay nakituloy sa mga kaanak na hindi apektado ng baha.

Dagdag ni Train, bagamat humupa na ang baha sa ilang bahagi ng probinsiya, nakaantabay pa rin ang mga opisyal kung sakaling tataas ulit ang tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.

Nagsimula na ring bahain ang Iloilo City dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, ang matinding pag-ulan na nararanasan sa Visayas ay dulot ng isang low pressure area na nabuo sa hilagang-silangang bahagi ng Quezon province.

Inaasahang patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Sabado.

-- mga ulat nina Joyce Ann Clavecillas at Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News.
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.