Ilang bahay, paaralan sa Antique nasira sa flash flood

Jenel Baclay, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2017 05:55 PM

Courtesy of Libertad MDRRMC

 

Ilang bahay at paaralan sa Antique and tumumba at nasira matapos rumagasa ang tubig dahil sa matinding pag-ulan, Biyernes ng gabi.

Ilang bahay malapit sa pampang ng isang ilog sa bayan ng Libertad ang natumba at tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Ang ilang pader ng Union National High School ay nasira rin dahil sa matinding pagbaha sa bayan.

Bukod sa bayan ng Libertad, apektado rin ng biglaang pagbaha ang mga bayan ng Culasi, Patnongon at Sibalom sa Antique.

Ayon sa mga awtoridad, bumuti na ang lagay ng panahon sa probinsya Sabado ng hapon, ngunit nananatiling lubog sa baha ang ilang mga kabahayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.