ALAMIN: Road reblocking sa QC, Pasig, Caloocan ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 06:12 PM

Pinapayuhan ang mga motoristang umiwas muna sa ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City, at Caloocan City ngayong weekend at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repair sa ilang kalye bandang alas-11 ng gabi ng Biyernes, Setyembre 22 sa mga sumusunod na lugar: 

SOUTHBOUND:

  • Sa Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban St. hanggang Dome St., Quezon City (outer lane)
  • Sa C-5 Road malapit sa Lanuza Avenue, Pasig City
  • Sa EDSA malapit sa kanto ng Bansalangin harap ng Shell sa Quezon City (2nd lane)
  • Sa E. Rodriguez Jr. Avenue lampas ng Greenmeadows Ave., Quezon City (3rd lane mula sa center island)
  • Sa E. Rodriguez Jr. Avenue lampas ng Boni Serrano Flyover, Quezon City (truck lane)
  • Sa E. Rodriguez Sr. Avenue kanto ng Monte de Piedad papuntang Cubao, Quezon City (1st lane mula sa sidewalk)

NORTHBOUND:

  • Sa Mindanao Avenue lampas ng Road 20 harap ng Shakey’s sa Quezon City (2nd lane)
  • Sa Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City
  • Sa C.P. Garcia Avenue mula sa University Ave. hanggang E. Jacinto St., Quezon City (2nd lane)
  • Sa V. Luna Road mula sa East Avenue hanggang Kalayaan Ave. sa Quezon City
  • Sa Manila East Road harap ng SM East Ortigas, Pasig City
  • Sa Quirino Highway malapit sa kanto ng La Mesa Dam Road, Quezon City (1st lane)
  • Muling madaraanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Setyembre 25, alas-5 ng umaga.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.