2 patay, 2 sugatan sa landslide sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 10:29 PM

Isang ina ang namatay sa landslide sa Cebu City Huwebes ng gabi.

CEBU CITY - Namatay ang isang ina habang sugatan naman ang kanyang 2 anak matapos madaganan ng kawayan ang kanilang bahay sa Barangay Capitol Site na nakaranas ng landslide, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCRRMO) dead on the spot ang biktimang si Jovelyn Sanipa, habang ang 5-taong gulang na si Dominic, at 2-taong gulang na si Rhenz ay nagtamo ng ilang mga sugat.

Si Francisco Sanipa, asawa ng biktima, at ang 9-anyos nilang anak na si JC ay parehong nakaligtas sa insidente.

"Tulog ang mag-anak ng mangyari ang landslide," ani Junrey Oyao, kapitbahay ng pamilya Sanipa.

Yumao din dahil sa landslide ang 63-anyos na si Elpidio Geraga. 

Ayon sa pamilya ni Geraga, agad silang nagtakbuhan palabas ng bahay at naiwan sa loob ang matanda nang maganap ang landslide.

Ayon sa mga awtoridad, umabot sa 2 oras bago nila marekober ang mga bangkay dahil na rin sa malakas na agos ng Guadalupe river.

Dagdag ng mga opisyal, 15 na ibang residente ang inilipat sa evacuation area. Kinurdonan na rin ang lugar dahil ito hindi ligtas tirahan.

Ayon sa pamilya ng biktima, agad silang nagtakbuhan palabas ng bahay at naiwan sa loob ang matanda nang maganap ang landslide.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.