Martial law survivor, nababahala sa mga pahayag ni Duterte

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 10:49 PM

BAGUIO CITY - Ikinakabahala ng isang martial law survivor ang mga banta umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa buong bansa.

"Whether it is confined to Marawi or to Mindanao, I personally believe that martial law as state of governance is injustice; it is not for a democratic country or people who believe in democracy," ayon kay Kathleen Okubo, miyembro ng grupong SELDA o Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto.

First year college si Okubo nang mai-deklara ang martial law 45 taon na ang nakalilipas. 

Kwento niya, isa siya sa mga nadakip noong unang araw ng pagpapatupad nito.

“Exactly on the day martial law was declared, I was arrested in Dagupan City. I was taken from the Kabataang Makabayan headquarters early in the morning about 5 o'clock early in the morning," aniya.

Natatakot siyang maulit ang mga karahasan tulad ng “torture, illegal arrest at abductions” kaya gusto niyang itaas ang lebel ng kaalaman ng mga kabataan tungkol dito, lalo na ang mga pabor sa batas militar.

Sa ika-45 anibersaryo ng pagdedeklara ng batas militar, magsasagawa ng forum tungkol sa martial law ang grupo ni Okubo.

Paraan nila ito para buksan ang pag-iisip ng mga kabataan tungkol dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.