Lalaking naka-headset nasagasaan ng tren ng PNR, patay

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 09:16 AM | Updated as of Sep 20 2017 10:11 AM

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang isang lalaki nang masagasaan ng tren sa may España Station ng Philippine National Railways, Miyerkoles ng umaga. 

Kinilala ang biktimang si John Genesis Munsayac, 15, at papasok sana sa isang TESDA-accredited na paaralan sa Pritil.

Ayon sa mga awtoridad, nakaladkad pa ng tren ang biktima nang may 150 metro kaya naputol ang kaliwang paa nito. 

Naka-headset umano ang biktima nang tumawid siya sa riles, posibleng dahilan kaya hindi niya narinig ang busina ng tren.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.