ALAMIN: Alternatibong ruta sa mga lugar na may protesta sa anibersaryo ng batas militar

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 08:46 PM

Inilatag ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang mga posibleng lugar na maaapektuhan ng inaasahang mga kilos-protesta sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nagbigay din sila ng mga alternatibong ruta na maaaring daanan upang maiwasan ang posibleng mabigat na trapiko sa Huwebes, Setyembre 21.

Narito ang listahan ng mga apektadong lugar at mga alternatibong ruta:

US Embassy: Roxas Boulevard mula Katigbak Drive papuntang Pedro Gil, Malate, Manila

  • Kung manggagaling mula Bonifacio Drive at dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, kumaliwa sa Padre Burgos Avenue patungong destinasyon;
  • Lahat ng mga sasakyang mula sa tatlong tulay (Jones, McArthur, Quezon) na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, dumiretso sa Taft Avenue patungong destinasyon;
  • Kung nasa westbound lane naman ng Padre Burgos Avenue, kumanan sa Bonifacio Drive o mag-U turn sa eastbound lane ng Padre Burgos Avenue patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang nasa westbound lane ng T.M. Kalaw Street papuntang southbound ng Roxas Boulevard, kumaliwa sa M.H. del Pilar Street patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang nasa westbound lane ng U.N. Avenue papuntang Roxas Boulevard, kumaliwa sa M.H. del Pilar Street o gamitin ang Roxas Boulevard service road patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang dumadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard, kumanan sa Pres. Quirino Avenue o kumanan sa Pedro Gil Street patungong destinasyon.

Mendiola Freedom Arch: Chino Roces Bridge, Mendiola, Manila

  • Lahat ng sasakyang magmumula sa northbound ng Legarda, kumanan sa Bustillos Street patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang magmumula sa southbound ng Legarda, kumaliwa sa Concepcion Aguila Street patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang magmumula sa eastbound ng C.M. Recto, kumaliwa sa Morayta Street (N. Reyes St.) patungong destinasyon.

Plaza Miranda: Southbound lane ng Quezon Boulevard

  • Lahat ng sasakyang dadaan ng southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza Street, kumanan sa Fugoso Street patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang dadaan ng Quezon Boulevard mula sa Espana Boulevard, kumanan sa P. Campa Street patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang dadaan ng southbound lane ng Quezon Boulevard mula sa service road ng C.M. Recto Avenue eastbound, dumiretso saka kumaliwa sa Morayta Street (N. Reyes St.) patungong destinasyon.

España Boulevard malapit sa University of Santo Tomas

  • Lahat ng sasakyang dadaan sa westbound lane ng España Boulevard mula sa A.H. Lacson Avenue, dumiretso sa Nagtahan Bridge patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang nasa silangan ng España Boulevard na tutungo sa Quezon Boulevard, kumanan sa A.H. Lacson Avenue saka dumiretso sa Rizal Avenue patungong destinasyon;
  • Lahat ng sasakyang nasa eastbound ng España Boulevard, kumanan sa P. Noval Street at saka kumaliwa sa S.H. Loyola Street patungong destinasyon.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 21 bilang "National Day of Protest" at inanunsiyo ng Malacañang na walang pasok ang ehekutibong sangay ng gobyerno kabilang ang mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.