2 kongresista, di pinayagang dalawin si De Lima

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2017 03:09 PM

MANILA - Pinigilang makapasok Martes sa Camp Crame ang grupo nina Cong. Teddy Baguilat at Tom Villarin para mabisita si Senador Leila de Lima na nakapiit doon. 

Ilang minutong nakipagdiskusyon ang base police sa 2 kongresista.

Kalaunan, pinayagan silang makalapit sa harapan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center pero hindi sila pinapasok sa piitan ni De Lima.

 Nitong Hulyo, pinagbawalan din ng pulisya na makadalaw kay De Lima si Liberal International President Juli Minoves

Ipinaliwanag ng PNP na ito'y dahil wala si Minoves sa listahan ng mga aprubadong bisita.

Nakakulong si De Lima sa Crame dahil sa umano'y pagtanggap ng suhol mula sa mga drug lord sa New Bilibid Prison -- bagay na itinanggi ng senador. 

Ulat ni Henry Atuelan, DZMM 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.