Seafood market sa Boracay nasunog

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2017 10:43 AM | Updated as of Sep 18 2017 12:02 PM

(UPDATED) Natupok ang tinatayang 100 stall sa D' Talipapa seafood sa Boracay island, Lunes.

Dakong alas-4 ng umaga nagsimula ang sunog na kumalat sa ilang stall, kabilang na ang Natalia's Kusina eatery.

Tumulong ang mga residente na mag-igib ng tubig sa mga kalapit na swimming pool at resort para maapula ang apoy.

Patuloy ang mopping-up operation ng mga awtoridad sa lugar, alas-11 ng umaga.

Madalas na dumugin ng mga turista ang D' Talipapa para bumili ng mga souvenir at magpaluto ng seafood.

May ulat ni Alan Palma Sr., ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.