Rider sugatan nang sumalpok sa kotse sa QC

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2017 09:41 AM

MAYNILA - Sugatan ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isang sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, maghahatinggabi ng Lunes.

Nakadapa na sa kalsada ang 40 anyos na si Rodemel Hongway nang datnan ng news team. Ito ay dahil sa lakas ng salpok ng kanyang motorsiklo sa likod ng nakatigil na kotse.

Ayon kay Ruth Asis, driver ng kotse, mabilis ang pagpapatakbo ng rider at nagulat na lang sila nang sumalpok na ito sa kanilang likuran habang nakatigil sila sa may 4th lane ng highway.

Bagama't may mga gasgas, wala namang tinamong malubhang sugat si Hongwey dahil nakasuot ito ng helmet. Pero hinala ng mga awtoridad, nakainom ito kaya naaksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.