Bahay nasunog sa Naga

Rona Nuñez, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 01:55 AM

NAGA CITY - Nasunog ang isang bahay sa Barangay Sta. Cruz, sa lungsod na ito Sabado ng hapon.

Ilang minuto matapos ang prosesiyon ng Nuestra Señora de Peñafrancia ay nabulabog naman ang mga awtoridad dahil sa isang sunog ilang kilometro lamang ang layo sa Naga Cathedral.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay.

Nagdeklara ng fire out ang mga bumbero 6:50 ng gabi.

Ayon sa BFP, walang nasaktan sa insidente. Patuloy nitong inaalam ang pinagmulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.