4 arestado sa ilegal na karera ng motorsiklo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 08:58 PM | Updated as of Sep 17 2017 09:47 PM

Arestado ang apat na suspek na sangkot umano sa ilegal na karerahan ng mga motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City tuwing madaling araw.

Dinakip ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sina Deoneric Caber, Jason Caroscos, Albert Catalan at Ronaldo Dalina.

Batay sa spot report, nakita ang apat sa isang drag race sa kanto ng Mindanao Avenue sa Commonwealth Avenue habang rumoronda ang mga pulis, ala-una ng madaling araw noong Setyembre 9.

Motorcycle riders ang tatlo sa mga suspek habang isa nama'y tricycle driver.

Depensa ng mga suspek, hindi sila nangangarera at wala silang kinalaman sa ilegal na karera.

Hawak ng mga pulis ang dalawang tricycle at isang motorsiklong pag-aari ng mga suspek.

Inihahanda na rin ang mga reklamong isasampa laban sa apat.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.