1 patay, 2 sugatan sa kidlat sa Cebu

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 08:13 AM

LAPU-LAPU CITY ,Cebu - Isa ang patay habang 2 ang sugatan matapos silang tamaan ng kidlat Sabado ng gabi.

Nasa ospital ngayon sila Ramil Layson, 31 taong gulang at Michael Perolino, 41 taong gulang. Dead on arrival naman ang kasama nilang si Eutiquio Paracuelles, 45 taong gulang.

Sabado ng gabi nang mamingwit sa dalampasigan ng Sitio Takan Brgy. Agus Lapu-Lapu City ang tatlo.

Sumilong muna sila sa maliit na cottage nang bumuhos ang malakas na ulan. Kasama ng malakas na pag-ulan ang malakas na hampas ng hangin, mga pagkulog at pagkidlat.

Hindi akalain ng tatlo na habang sumisilong ay tamaan sila ng kidlat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.