Dinagat Islands health officer, patay sa pamamaril

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2017 03:13 AM

Patay ang provincial health officer ng Dinagat Islands matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman sa Barangay New Mabuhay, sa bayan ng Dinagat ngayong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Dr. Vicente Soco na nanonood lang ng balita sa telebisiyon nang pagbabarilin siya ng hindi pa kilalang salarin, ayon sa pulisya.

Ayon sa imbestigasiyon, pasado 7 p.m. nang marinig ang putok ng armas sa loob ng gasolinahang pagmamay-ari ng biktima. 

Nakatakas umano ang salarin sakay ng isang motor, dagdag ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, wala pang malinaw na motibo sa pagpatay sa doktor. Galing umano ito sa isang medical mission sa Barangay Borja, Cagdianao, Dinagat Islands sa araw ng pamamaril.

Isinugod ang biktima sa isang ospital sa Surigao City pero binawian din ng buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.