Suspek sa pagnanakaw, tinangka umanong lunukin ang droga

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 11:46 PM

Nahulian ang isang suspek ng ilegal na droga sa Jones, Isabela nitong Martes.

ISABELA - Isang suspek sa pagnanakaw ang nagtangkang lunukin ang ilegal na drogang nahuli sa kanya sa Jones, Isabela nitong Martes ng umaga, ayon sa pulisya.

Nakatakas ang kasama ni Ericson Monsaya, 35, na natangay ang halos P40,000 halaga ng gamit at alahas sa bahay ni Virgie Abara.

Ayon sa imbestigasyon, binasag umano ang salamin ng bintana at sinira ang door knob para makapasok sa bahay ni Abara.

Nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay ni Abara para mahuli ang si Monsaya. 

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang kasama ni Monsaya na may dala ng mga natangay na gamit.

Sinampahan na si Monsaya ng reklamong robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.