Sunog sumiklab sa Batasan Hills, QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 11:38 AM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang dalawang-palapag na bahay sa Ilang-ilang Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog bandang alas-10:42 ng umaga, agad iniakyat sa ikalawang alarma, bago idineklarang fire out makalipas ang halos 30 minuto.

Wala namang umanong nasaktan sa insidente, at inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.--ulat mula kay Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.