Pagsabog sa Laoag: 1 patay, 1 sugatan

Kim Lorenzo II, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 09:37 AM

LAOAG CITY - Nabulabog ang mga residente ng Barangay 22 sa lungsod ng Laoag matapos makarinig ng pagsabog Huwebes ng umaga.

Ayon sa residenteng si Shirley Agustin, nasa basement siya ng kaniyang tahanan nang marinig ang malakas na pagsabog.

Paglabas niya ng bahay nakita niyang nasusunog na ang tricycle ng kapitbahay na pamilya Fiesta.

Agad na nagtulong-tulong ang mga kapitbahay nila na ialis ang tricycle sa kalsada at apulahin ang apoy.

Ayon pa kay Agustin, dito na rin nila nadiskubre na sugatan ang mag-asawang Crisensio at Noemi Fiesta.

Agad na itinakbo sa ospital si Crisensio at lumalabas na napuruhan naman ang kaniyang misis.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang mas malalaim na imbestigasyon ng pulisya at Scene of the Crime Operatives hinggil sa pagsabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.