6 sugatan sa karambola sa QC

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 10:42 AM

Anim na katao ang sugatan sa karambola ng walong sasakyan sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue malapit sa 6th Avenue, Barangay Soccoro sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, binangga ng isang puting Toyota Vios na may plakang AAP 9462 ang apat na motorsiklo sa nabanggit na kalye.

Nakaidlip umano ang driver ng kotse na si Henry Torino kaya nahagip niya ang mga nag-counter flow na mga motorsiklo o yung mga lumampas sa guhit ng kalsada.

Mga driver at angkas ng motorsiklo ang nasugatan sa aksidente.

Tatlong iba pang sasakyan na taxi, Mitsubishi Adventure at Toyota Innova ang nadamay o nasagi sa karambola.

Dahil diyan matindi na ang traffic sa magkabilang lanes ng Boni Serrano Avenue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.