Barko, sumadsad sa pribadong pantalan sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 06:24 PM

ZAMBOANGA CITY - Isang cargo vessel ang sumadsad sa gilid ng isang pribadong daungan sa Baliwasan Seaside, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang barkong Golden Star 3 ay galing Lanao del Norte at papunta sana sa Tawi-tawi ng maganap ang insidente.

Base sa imbestigasyon, malakas ang alon ng makaranas ng mechanical problem ang Golden Star 3.

Bagamat hindi natamaan ang mga kalapit na bahay sa lugar, magbabayad ang operator ng barko upang maipagawa ang nasirang gilid ng pribadong daungan.

Dagdag ng Philippine Coast Guard, iimbestigahan din kung anong mga produkto ang lulan ng sumadsad na barko.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.