'Bakuna vs. Japanese encephalitis, sapat ang supply'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 12:00 AM

Tiniyak ng Philippine Pediatric Society at manufacturer ng bakuna kontra sa Japanese encephalitis (JE) na sapat ang supply ng bakuna sa bansa. 

Nangangamba kasi ang ilang gustong magpabakuna dahil wala raw stock nito sa ospital na pinuntahan nila.

Paliwanag ng mga awtoridad, may mga bakuna lang na hindi pa nakararating sa ibang lugar.

Wala rin daw dahilan para mag-panic o mabahala ang publiko dahil walang outbreak ng JE sa bansa.

Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na naglalaro sa P2,000 hanggang P4,000 ang presyo ng bakuna sa merkado.

Ayon sa manufacturer ng gamot at ilang doktor, nagkakaiba lang ang presyo dahil nakadepende pa rin ito sa mga ospital at klinika.
 
Naisasalin ang JE sa pamamagitan ng kagata ng Culex mosquito.

May 133 na pasyente ang kumpirmadong may Japanese encephalitis, ayon sa tala ng DOH mula Enero 1 hanggang Agosto 26. 

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.