TINGNAN: Baha sa iba't ibang lugar sa Luzon

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 06:02 PM

Nakunan ng Bayan Patrollers ang baha sa ilang bahagi ng Luzon nitong Martes, Setyembre 12.

Lubog sa baha ang ilang sasakyan sa Equity Homes 4, San Isidro, Paranaque City sa mga larawang kuha ni Bayan Patroller Maria Linda Tibatib, pasado alas-7 ng umaga. Ayon kay Tibatib, mabilis tumaas ang tubig sa kanilang lugar. Nakuhanan niya ang mga larawan mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Maria Linda Tibatib

***

Ayon kay Bayan Patroller Jaymart Salisi, pasado alas-7 ng umaga, isa siya sa mga empleyadong stranded at hindi nakapasok sa opisina dahil sa baha sa España corner Maceda Street sa Sampaloc, Maynila. Jaymart Salisi

***

Abot-tuhod naman ang baha sa kahabaan ng MacArthur Highway sa harap ng isang mall sa Marilao, Bulacan sa mga kuha ni Bayan Patroller Amalia Mandanas. Amalia Mandanas

***

Lubog sa baha ang unang palapag ng ilang bahay sa Gumaca, Quezon sa kuha ni Bayan Patroller Raymond Dapito, alas-6 ng umaga. Raymond Dapito

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.