Mga bayan sa Quezon, Pampanga lubog sa bahang dala ni 'Maring'

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 01:17 PM | Updated as of Sep 12 2017 01:20 PM

Pansamantalang naantala ang ilang biyahe at serbisyo sa ilang bayan sa Quezon at Pampanga matapos mag landfall ang bagyong Maring sa Quezon, Martes, bandang alas-9 ng umaga.

Hindi na madaanan ang ilang kalsada sa Barangay Binutas sa bayan ng Calauag sa Quezon matapos matabunan ng gumuhong lupa mula sa mga kalapit na bundok.

Stranded naman ang ilang pasahero sa loob ng sinasakyang bus patungong Quezon dahil sa biglang pagbaha sa ilang pangunahing kalsada ng probinsya.

COURTESY: CALAUAG EAST FACEBOOK
COURTESY: CALAUAG EAST FACEBOOK
COURTESY: ROLAND ROLDAN

Sinumulan na din ng gobyerno ang pagpapalikas sa mga residenteng lubog na ang bahay sa baha.

PHOTO COURTESY: GERARD LORBES

Sa Pampanga, sinubukan ng mga residente na maglagay ng mga sandbag upang pigilan ang pagpasok ng baha sa mga kabahayan ngunit lumubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng bayan ng San Luis.

Isang bangkay ng lalaki na kinilala bilang si Aeron Manuyag ang natagpuan sa bayan ng San Simon.

COURTESY: GRACIE RUTAO

Ayon sa paunang imbestigasyon, nalunod umano ang biktima.

Ayon sa PAGASA, patuloy na mararanasan ang matinding pag-ulan hanggang Miyerkoles ng madaling araw.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility and bagyong Maring sa Huwebes.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.