Sunog, sumiklab sa palengke sa Looc, Romblon

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Sep 12 2016 07:28 PM

Sumiklab ang isang malaking sunog sa Looc Public Market sa lalawigan ng Romblon, Lunes ng tanghali.

Ayon kay Fire Officer 2 Oliver Galicia ng Looc Fire Station, nagsimula ang sunog pasado alas-12 ng tanghali at umabot sa ikatlong alarma. 

Tumagal ang sunog ng humigit-kumulang dalawang oras bago tuluyang naapula. 

Walang naitalang namatay o nasugatan sa insidente pero aabot sa 1,200 square meters ang lawak ng pinsala.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng mga natupok na paninda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.