P300K halaga ng droga nasabat sa Bangladeshi sa Pasay

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 09:33 AM

MAYNILA - Arestado ang isang Bangladesh national sa buy-bust operation sa isang hotel sa Taft Avenue, Pasay, Lunes ng madaling araw. 

Kinilala ang suspek na si Mohammad Anisur Rahman, kasal sa isang Filipina, at may isang taon nang naninirahan sa bansa. 

Narekober sa suspek ang P1,000 buy-bust money, higit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P300,000, wallet, at cellphone. 

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang suspek ukol sa insidente. Nahaharap si Rahman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.