3 patay sa buy-bust sa Malolos

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 10:03 AM

MAYNILA - Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation sa Santo Cristo Diversion Road, Malolos, Bulacan.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Jayjay Cervantes, isa umanong notorious na drug pusher, at kasamahang sina Carlo Calano at Allano Cruz.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos Police, sakay ng tricycle at motor ang mga suspek nang makipagkita sa mga nagpanggap ng buyer ng droga.

Nang makatunog na pulis ang kanilang transaksyon, dito na umano nagpaputok ang mga suspek, dahilan para mapilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok.

Narekober ang P500 buy-bust money, habang inaalam pa kung ilang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa tatlong suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.