3 hinihinalang tulak tiklo; kalahating kilo ng marijuana, mga baril nakuha

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 10:04 AM

MAYNILA - Arestado ang 3 umanong tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Novaliches, Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Hinorobe Ando, 23; Mark Angelo Alaba, 22; at si Renzo Barcoma alyas "Empo," 19 at siya umanong target ng buy-bust.

Ayon kay Supt. Mark Young, hepe ng Quezon City police station 4, ang tatlong suspek ang nasa likod ng talamak na bentahan ng marijuana sa Novaliches,

Narekober sa mga suspek ang kalahating kilo ng marijuana na may street value na P12,000, at isang 9mm pistol. Inaalam pa kung saan nila nakuha ang kanilang mga armas.

Samantala, patuloy pa ang pagtugis ng pulisya sa iba pang kasamahan ng tatlong nahuling suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.