Omar Maute, tanging lider ng rebelyon na buhay pa: militar

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 02:50 PM

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na buhay pa si Omar Maute, ngunit nag-iisa na lamang ito sa pangunguna sa rebelyon sa Marawi.

Batay sa mga salaysay ng mga nakaligtas na bihag ng Maute, mag-isa na lamang si Omar na nagmamando sa grupo, ayon sa tagapagsalita ng Sandatahang lakas na si Brig. Gen. Restituto Padilla.

Sa kabila nito kailangan pa rin ng matibay na ebidensiyang patay na nga ang 6 sa 7 tumatayong matataas na lider ng Maute Group, ani Padilla.

Binanggit din ni Padilla na kasama pa rin sa mga nakikipagbakbakan sa Marawi City ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na tinaguriang emir ng ISIS sa timog-silangang Asya.

Nitong Miyerkoles, sinabi ni Padilla na pilay na ang puwersa ng Maute sa Marawi.

--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.