Mga bilanggo sa Dumaguete, abala sa paggawa ng mga parol

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 03:11 PM

Nagsimula nang gumawa ng mga parol ang mga bilanggo ng Negros Oriental Provincial Jail sa Dumaguete City, mahigit 100 araw bago mag-Pasko.

Abala na ang mga bilanggo dahil marami na umano silang order pagsapit ng 'ber' months.

Nagkakahalaga ng P40 ang simpleng parol samantalang P3,000 naman ang pinakamahal.

Ayon sa tanod na si Franklin Culanang, sa mga bilanggo napupunta ang kita mula sa mga parol.

Maaari nila itong ibigay sa kanilang mga pamilya o ipunin para may pambili ng mga pangangailangan sa loob ng kulungan.

Bukod sa mga parol, gumagawa rin ang mga bilanggo ng mga woodcraft items na puwedeng ipangregalo sa Pasko.

-- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.