ALAMIN: Road reblocking sa Metro Manila ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 11:50 AM

Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas sa ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City, at Caloocan City, at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta ngayong weekend.

Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repair sa ilang kalye alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, sa mga sumusunod na lugar: 

NORTHBOUND:

- Mac Arthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City 
- C.P Garcia Avenue mula University Ave. hanggang E. Jacinto St., QC (2nd lane)
- V. Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Ave., Quezon City
- Manila East Road sa tapat ng SM East Ortigas, Pasig City
- Quirino Highway corner La Mesa Dam Road, Quezon City (3rd lane)
 
SOUTHBOUND:
 
- Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban St. at Sgt. Rivera, Quezon City (outer lane)
- C-5 Road malapit sa Lanuza Avenue, Pasig City 
- Mindanao Avenue paglagpas ng Tandang Sora sa tapat Shell, Quezon City (2nd lane)
- EDSA corner Roosevelt, Quezon City (2nd lane)
- E. Rodriguez Jr. Avenue bago at paglagpas ng Greenmeadows Ave., Quezon City (1st lane from center island)
- E. Rodriguez Jr. Avenue paglagpas ng Boni Serrano Flyover, Quezon City (truck lane)

Muling madaraanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Setyembre 18, alas-5 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.