Trak sumabit sa kable; 3 poste bumagsak sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2016 04:56 PM | Updated as of Sep 08 2016 06:54 PM

MAYNILA - Bumagsak ang tatlong poste ng kuryente sa MacArthur Highway corner Victoneta Ave., sakop ng Barangay Potrero sa Malabon, Huwebes ng umaga.

Ito ay matapos sumabit sa mga kable ang isang dumadaan na 10-wheeler trailer truck, pasado 10:00 a.m.

Nabagsakan pa ng dalawang poste ang trak pero wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Nakunan ng litrato ni Bayan Patroller Rommel Timbol Fajardo ang mismong sitwasyon nang ito ay mangyari:

Pansamantalang isinara ang magkabilang lane ng kalsada habang hindi pa naaalis ang mga poste at truck.

Nawalan din koryente ang ilang bahay malapit sa lugar.

Kasalukyan namang inaayos ng Meralco ang mga natumbang poste.

Inaayos ng mga tauhan ng Meralco ang mga bumagsak na poste sa Malabon. Kuha ni Bayan Patroller Mary Rose Banez.