Bus tumagilid sa Bohol; 4 sugatan

Bayan Mo, iPatrol Mo

Posted at Sep 08 2016 08:55 PM

Apat ang sugatan nang tumagilid ang isang bus sa Brgy. Canayaon West sa bayan ng Garcia-Hernandez, Bohol, Huwebes ng umaga.

Ayon kay PO2 Jeh Inguito ng Garcia-Hernandez Municipal Police Station, akmang magsasakay ng pasahero ang bus nang mawalan ng kontrol ang drayber pasado 6:00 ng umaga.

Malambot umano ang lupa sa lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Napag-alamang galing sa bayan ng Ubay ang Southern Star Bus at patungo sa Tagbilaran City nang maganap ang aksidente.

Agad naisugod sa Valencia Hospital at Jagna Hospital ang mga nasaktan. Naalis rin agad ang bus sa daan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.