Hindi lisensiyadong gunsmith, arestado sa Baguio City

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2017 01:25 PM

BAGUIO CITY - Arestado ang isang hindi lisensiyadong gunsmith sa Asin Road, Baguio City Miyerkoles ng umaga.

Nagkasa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maghain ng search warrant laban kay Wilson Pasol sa kaniyang bahay sa Kilometer 3, Asin Road.

Ayon kay Chief Insp. Lodovico Elleazar, hepe ng CIDG Baguio, matagal na umano nilang minamanmanan ang suspek nang makatanggap ng report na gumagawa at nag-aayos ito ng mga baril.

Sari-saring baril, bala at spare parts ang nakita sa bahay ni Pasol.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • 2 caliber .38 
  • Caliber .38 bullets
  • Empty shells of caliber. 38
  • 9mm magazine (long)
  • 9mm bullets
  • M14 with magazine but without ammos
  • M14 bullet
  • M16 magazine
  • M16 bullets
  • 2 shotguns
  • Shotgun bullet
  • Caliber .45 bullets

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang suspek.

Bahagi ang operasyon ng Oplan Omega o ang kampaniya laban sa illegal possession of firearms and ammunition.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.