Night market vendors, sumailalim sa anti-terrorism forum

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2017 03:34 PM

Sumailalim sa isang anti-terrorism forum ang night market vendors sa Baguio City. 

Sa forum, ipinakita sa mga vendor ang video ng pag-atake sa Barcelona, Spain noong Agosto at pagbomba sa Davao night market noong nakaraang taon.

Umamin ang ilan sa mga nakapanayam na vendor na natatakot sila dahil madalas umanong punteryahin ng mga terorista ang matataong lugar.

Tiniyak ng mga pulis na walang dapat ikatakot ang mga turista sa pamamasyal sa night market.

Bukod sa mga rumorondang pulis, may mga nakatalaga na rin upang magbantay sa night market.

Kabilang din sa anti-terrorism forum ang Hotel and Restaurant Association of Baguio at mga opisyal mula sa iba't ibang barangay.

Pinangunahan ng Baguio City Police ang forum. -- Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.