PNP, tumanggap ng P1.8-M halaga ng office supplies

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2017 03:00 PM

Tumanggap ang Philippine National Police (PNP) ng mga kagamitan na aabot sa halagang P1.8 milyon mula sa PNP Foundation, Lunes ng umaga.

Pinangunahan ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang pagtanggap sa mga donasyon matapos ang flag ceremony sa Camp Crame.

Ayon kay Dela Rosa, 14 municipal stations sa Bulacan, Batangas, Capiz, Mindoro, Mountain Province at Romblon ang makikinabang sa mga ibinahaging office equipment.

Dumalo sa seremonya si PNP Foundation vice chairman Teresita Ang See, na kumakatawan kay Sen. Panfilo Lacson, chairman ng nasabing organisasyon. -- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.