P24-M ng 'regulated drugs' nasabat sa anak umano ni Revilla Sr.

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2017 01:04 PM

 

Photo by Raoul C Esperas

MANILA - Arestado ang lalaking nagpakilalang anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umano'y pagpupuslit ng malaking halaga ng regulated drugs sa bansa.

Ayon kay Lt. Regino Tuason, hepe ng Customs police sa NAIA, nasabat nila ang aabot sa P24 milyong halaga ng cytotec, isang regulated drug, mula kay Reuben Bautista at kasamahan nitong kinilalang si Glen Morgadi.

Dumating aniya ang dalawang suspek sa NAIA Linggo, bandang alas-11 ng gabi, lulan ng Singapore Airlines Flight SQ918 galing ng Singapore. Nadiskubre ang droga sa kanilang dalang maleta.

Dinala na sa Pasay City Prosecutor's Office ang dalawang suspek para masampahan ng kasong smuggling.

-- Ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.