Dating opisyal ng Mandaluyong patay sa 'riding-in-tandem'

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2017 01:25 PM | Updated as of Sep 03 2017 07:42 PM

MAYNILA - Patay ang dating chief prosecutor ng Mandaluyong City nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin ngayong Linggo. 

Kinilala ang biktimang si Pablito Gahol na dati ring naging kapitan ng Barangay Mauway sa Mandaluyong.

Ayon sa pulisya, kagagaling lang ng simbahan ni Gahol kasama ang kanyang misis nang tambangan ng 4 na lalaki sa Nuebe de Pebrero St. 

Mabilis nakatakas ang mga salarin gamit ng motorsiklo habang narekober naman sa crime scene ang higit 10 basyo ng bala.

Naisugod pa sa pagamutan ang dating opisyal ng Mandaluyong pero hindi na ito umabot nang buhay. 

Inaalam na ng pulisya kung may kaugnayan sa pagiging dating opisyal ng siyudad ang pagpatay sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.