Mag-live-in partner, patay matapos pagbabarilin sa Pasig

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2017 09:22 AM

MANILA - Patay ang isang lalaki at isang babae matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa Sta. Lucia, Pasig City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Isagani Escuadro at Ella Mae Mariano.

Idineklarang dead on the spot ang mag-live-in partner, na lumabas umano ng bahay upang bumili ng ulam.

Batay sa kuha ng surveillance camera na nakita ng mga awtoridad, naglalakad ang mga biktima sa Soldiers Village, Eastbank Road nang biglang dumating ang apat na motorsiklo na may sakay na tigalawang pasahero, na silang pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, dating gumagamit ng iligal na droga si Escuadro, na maaaring naging dahilan upang maging target ito ng mga salarin. Ngunit nagbago umano ito, at hindi na gumagamit ng bawal na gamot bago ito namatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.