Holdaper, sinapak ng biktima sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2017 04:32 PM | Updated as of Sep 02 2017 09:21 PM

Sinapak ng isang biktima ng holdap sa Quezon City ang suspek na diumano'y nagtangka sa kanyang buhay.

Malakas na suntok ang inabot ng holdaper na si Arjay Irinco mula kay sa biktima nitong si Michael Senina nang magpang-abot sila sa Batasan Police Station kaninang madaling araw.

Kuwento ni Senina, binugbog at sinubukan siyang saksakin ng ice pick ni Irinco habang naglalakad sa isang alley sa Payatas bandang alas-4 kahapon.

Napigilan lamang si Irinco ng mga nakakita.

Itinanggi ni Irinco na balak niyang saksakin si Senina pero umamin ito sa pagtangay ng cellphone ng biktima.

Dinala ng mga tanod si Irinco sa pulis matpaos ituro ng mismong ama ng holdaper ang kinaroroonan.

Maaaring humarap ang suspek sa kasong robbery-holdup.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.